Pagsasagawa ng mock polls, matagumpay – Comelec

Pagsasagawa ng mock polls, matagumpay – Comelec

December 30, 2021 @ 10:40 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Tagumpay na nairaos ang mock polls sa Metro Manila at ilan pang probinsya bilang paghahanda sa 2022 national and local elections, batay sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, marami ang nakiisa sa naturang aktibidad.

“In general, coming from the rest of the mock election areas, the election…the mock elections were actually a success.”

May mataas rin aniya itong turnout.

“In fact, in most places, we have a 100 percent turnout versus our expected number of voters, so I think that the exercise itself was very well run,” dagdag pa nito.

Samantala, may napansin din ang pamunuan na ilang concern sa pagpapatupad ng health protocol laban sa COVID.

“There are still lingering concerns on protocols.”

“Again, we have quite a lot of data to process. We need to understand what happened today and how we can even improve it,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC