Pagsasakriminal ng fake booking lusot na sa Senate panel

Pagsasakriminal ng fake booking lusot na sa Senate panel

July 13, 2021 @ 10:28 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa Senate panel ang batas na magsasakriminal ng “hoax ordering” upang maproteksyunan ang mga delivery rider.

Sa ilalim ng panukalang batas, ipagbabawal ang “hoax orders,” kanselasyon ng kumpirmadong order, at pagtanggi sa hindi bayad na order.

“The recent incidents of fake booking and hoax orders are quite alarming. Those acts must be criminalized. Nagtatrabaho ang ating mga riders nang maayos. Yung iba ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye para kumita ng pera. Hindi sila dapat linoloko,” pahayag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, chair ng Senate trade committee.

Parurusahan din sa ilalim nito ang paggamit ng personal na impormasyon ng iba sa pagrehistro sa anumang food, grocery, at pharmacy delivery service.

Ipagbabawal din ang advance money ng bayad sa order.

Dahil dito, kinakailangan na ng mga delivery service app providers na  “establish a mandatory reimbursement scheme in favor of delivery riders and drivers in case of cancellation of confirmed orders.”

Nakasaad din sa panukalang batas ang Know-Your-Customer (KYC) rules.

Dito, kailangang pagsumite ng proof of identity at residential address ng kostumer sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012.

“We need a law protecting our delivery riders and drivers. It is very timely and relevant. Even after the pandemic, this measure will be relevant because we have now grown accustomed to online services,” giit ni Pimentel. RNT/ELM