Pagsasalegal ng medical marijuana, pag-aralan mabuti – DILG

Pagsasalegal ng medical marijuana, pag-aralan mabuti – DILG

December 11, 2022 @ 12:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na dapat ay pag-aralan munang mabuti ang panukalang gagawing legal ang paggamit ng medical marijuana.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos nitong Sabado, Disyembre 10 na maaaring maabuso ito.

“Well siguro pag-aralan muna maigi kasi alam mo nakakatulong talaga. May kaibigan ako na ganyan. Pero of course baka abusuhin ito (sic),” ani Abalos.

“Well actually ganun talaga ang mangyayari… but again you look at first, pag-aralan muna natin maigi ito. Let’s just make sure it’s airtight. Otherwise, kawawa ang mga bata,” dagdag pa niya.

Nagsalita naman si Dr. Donnabel Trias-Cunanan, presidente at tagapagsalita ng Cannahopefuls Inc., sa harap ng Senate Subcommittee on Health and Demography, na tumatalakay sa Senate Bill 230 o An Act Granting Access to Medical Cannabis as a Compassionate Alternative Means of Medical Treatment.

Si Cunanan ay nagsusulong ng medical use ng cannabis mula pa 2013 makaraang ma-diagnose ang anak nito ng epilepsy, global developmental delay at cerebral palsy.

Bagama’t kumpleto na umano nila ang requirements, kailangan nilang bilhin ang gamot na nagkakahalaga ng $32,000 dahil ito lamang ang gamot na pasok sa panuntunan ng Food and Drugs Administration. RNT/JGC