Pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis sa Tondo Secret Jail, iniutos ng house panel

Pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis sa Tondo Secret Jail, iniutos ng house panel

October 9, 2018 @ 5:46 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inirekomenda ng House committee on human rights ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga pulis na nasa likod ng nadiskubreng secret jail sa Tondo Maynila noong nakaraang taon.

Partikular na pinakakasuhan ng House panel ang mga pulis sa Manila Police District-Police Station 1 sa pangunguna ng commander nito na si Police Supt. Robert Domingo.

Ayon sa panel malinaw na mayroong minamantina na secret jail ang police station kung saan nadiskubre ang 12 detainees kung saan 3 sa mga ito ay mga babae.

“The fact that the said detention cell was concealed from plain view with a bookshelf as cover, the said place of confinement can thus be considered as secret.The circumstances of the detainees inside the secret detention cell in MPD Station 1 is beyond humane conditions and clearly, do not meet the Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners)”ayon sa panel.

Bukod sa pagsasampa ng kaukulang kaso inirekomenda din ng Kamara na rebyuhin ang Philippine National Police (PNP) Operational Procedures patungkol sa pagdodokumento sa mga naarestong suspek gayundin ay payagan ang Commission on Human Rights na magsagawa ng regular na jail visitation.

Una na din inirekomenda ng Commission on Human Rights ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga pulis ng MPD Station 1. Gail Mendoza