Pagsasampa ng kaso vs. Yang, Lao kulang sa ebidensya

Pagsasampa ng kaso vs. Yang, Lao kulang sa ebidensya

January 31, 2022 @ 4:30 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iniulat na walang rekomendasyon na kasuhan sina former presidential economic adviser Michael Yang at former executive director ng  Procurement Service of the Department of Budget and Management na si Christopher Lloyd Lao sa usapin ng pagbili ng COVID supplies noong pandemya.

Ayon kay House blue ribbon committee chairman at DIWA party-list Representative Michael Aglipay, walang sapat na ebidensya para panagutin sina Yang at Lao.

“Lahat ng nangyari sa committee ay based sa evidence lang po (Everything that has happened in the committee is based on evidence) and we undertook all procedures and processes legally and fairly,” ani Aglipay sa virtual presser.

“So ang sagot ko po diyan sa tanong ninyo kay Michael Yang and Christopher Lao, insufficiency of evidence. The evidence does not warrant or is not enough for cases to hold.”

Nauna na nga ritong inirekomenda ang kasong estafa laban kina Pharmally Pharmaceutical Corporation chairman Huang Tzu Yen, treasurer Mohit Dargani, president Twinkle Dargani, director Lincoln Ong, and personnel Justine Garado at Krizle Grace Mago sa Department of Justice. RNT/FGDC