Pagsasapribado ng busway system suportado ng DOTR

Pagsasapribado ng busway system suportado ng DOTR

November 19, 2022 @ 12:07 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Suportado ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagsasapribado ng busway system dahil makapagpapaunlad ito ng operasyon sa transportation system ng bansa.

Ito ang sinabi ni Bautista nitong Biyernes, Nobyembre 18 kasabay ng pagpapasinaya sa bagong busway station sa Ayala na tutugon sa mga pasahero pa-timog ng Metro Manila.

“It’s a very welcome development… It will provide a safe, accessible, and convenient travel experience to our passengers,” aniya.

“We can do even better if we privatize the busway system…Kailangan siguro gawin natin as soon as possible. Kapag na privatized to magiging more efficient ang operations ,” dagdag pa ng Kalihim.

Maliban sa mga bus, magsisilbi na rin itong bagong istasyon para sa mga UV express at konektado pa sa MRT-3.

“The masterplan was initiated by Ayala Land, and as mentioned earlier it’s really to address the needs of our commuters. And of course, we partnered with the Department of Transportation and also with MMDA,” sinabi naman ni Ayala Land Makati Estate Manager Sheila Aguilar.

Ang ganitong mga proyekto ay naglalayon na hikayatin ang publiko na gumamit ng mass transportation sa halip na mga pribadong sasakyan. RNT/JGC