Pagsasapribado ng mga paliparan bukas kay Frasco

Pagsasapribado ng mga paliparan bukas kay Frasco

October 17, 2022 @ 2:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Department of Tourism Secretary Christina Frasco sa suhestyon gawing pribado ang mga international airport sa bansa.

“The benchmark of the privatization of airports is the airport of Cebu, which is now one of the best airports in Asia, and we have seen how this has completely transformed travel to and from Cebu,” sinabi ni Frasco kasabay ng pagbubukas ng Siargao International Surfing Festival nitong Sabado, Oktubre 15.

Aniya, susi ang public-private partnership upang maiangat ang kalidad ng mga paliparan sa bansa sa pagkakaroon ng world-class standards.

“As you know, we recently inaugurated, with President Marcos, the brand new terminal of Clark International Airport, which is also a result of the PPP,” paghahalimbawa niya.

“So there are benchmarks for its success, and we look forward to improve all our regional international airports through this,” dagdag pa ni Frasco.

Pagsisikapan naman ng DOT na ibalik ang direct international flights sa Siargao airport upang mas mapalago pa ang turismo sa isla.

Mas maraming byahe din ang target ni Frasco na buksan mula sa Siargao papunta sa iba pang bahagi ng bansa. RNT/JGC