Pagsasapribado ng NAIA, nilinaw ng DOTr

Pagsasapribado ng NAIA, nilinaw ng DOTr

January 24, 2023 @ 4:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpaliwanag si  Department of Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa ulat na pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa idinaos na press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Bautista na walang mangyayaring pagbibigay sa pribadong sektor sa asset ng NAIA dahil  ipapaubaya lamang ang management sa operasyon sa pamamagitan ng concession agreement.

Sa katunayan aniya ay ginagawa ito sa dalawang paliparan sa bansa katulad ng Cebu na kung saan ay pinapatakbo nito ang operasyon ng GMR Megawide at sa Clark international airport sa lalawigan ng Pampanga.

Sa kabilang dako,  inalis naman ng Kalihim ang pangamba ng publiko  na baka magkaroon ng pagtaas sa singil sa airfare at iba pang services kung matuloy ang pangangasiwa sa operasyon ng NAIA ng isang private firm.

Samantala,  nabanggit naman kahapon ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na isang isang management contract sa pagitan ng gobyerno at isang  private firm na nagpapatakbo ng London airport ang inihahanda para sa pagpapatakbo ng operasyon sa NAIA. Kris Jose