Pagsasapribado ng NAIA pinamamadali

Pagsasapribado ng NAIA pinamamadali

January 13, 2023 @ 5:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinamamadali ng pamahalaan ang pagsasapribado ng pangunahing paliparan sa bansa para sa upgrade at pagpapalaki ng kapasidad nito.

Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista kung saan sinabi nito na magsisimula na ang ahensya na busisiin ang mga natanggap nilang proposal sa pagtatapos ng unang bahagi ng taon.

“We will work and fast-track the privatization of the NAIA (Ninoy Aquino International Airport)…,” pahayag ni Bautista sa Senate Committee on Public Services nitong Huwebes, Enero 12.

“We will fast-track the conditions of the terms of reference.”

Sa pahayag naman nitong Biyernes, Enero 13, sinabi ng DOTR na kaya lamang ng naturang paliparan ang 40 hanggang 44 movements ng aircraft kada oras.

“Should its privatization push through, the NAIA can increase its aircraft capacity to 50 or even 55 aircraft movements,” aniya.

Unang pinaugong ni Bautista ang planong privatization sa NAIA noong nakaraang buwan. RNT/JGC