Pagsasapribado sa EDSA Busway pag-aaralan – Bautista

Pagsasapribado sa EDSA Busway pag-aaralan – Bautista

October 11, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sasailalim sa isang feasibility study ang panukalang privatization ng EDSA Busway System, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“We have requested the PPP (Public-Private Partnership) Center to set aside funds for the feasibility study,” pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa Economic Journalists Association of the Philippines-MVP Group Infrastructure Forum sa Pasay City nitong Lunes.

Mahigit sandosenang business at advocacy groups ang nananawagan na isapribado ang busway system upang mapagbuti ang commuter experience.

Sinabi ni Bautista na kinakailangan ang isang feasibility study para sa privatization ng EDSA Busway System dahil “it will be subjected to the approval of the NEDA (National Economic and Development Authority).

Pag-aaralan sa feasibility study kung paano mapaiinam at mapamumura ng privatization ang busway system para sa commuting public, dagdag niya.

Kasalukuyang nag-aalok ang pamahalaan ng libreng sakay sa EDSA Busway sa ilalim ng “Libreng Sakay” program hanggang Disyembre 31, 2022. RNT/SA