Pagsasapubliko sa medical bulletin, bahala na si PDU30

Pagsasapubliko sa medical bulletin, bahala na si PDU30

October 9, 2018 @ 6:34 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte lamang ang makapagdedesisyon kung isasapubliko o hindi ang kanyang medical bulletin.

Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, sa ngayon, walang seryosong sakit ang Chief Executive.

Aniya, walang makitang sakit sa Pangulo.

Malinaw din aniya ang nakasaad sa Saligang Batas na maaari lamang isiwalat ang medical bulletin ng pangulo kapag mayroong seryosong karamdaman.

Tikom ang bibig ni Go na tukuyin kung lumabas na ang resulta ng medical tests na isinagawa ng mga doktor kay Pangulong Duterte.

Magugunitang, nitong Miyerkules ay inamin ng pangulo na nagtungo siya sa Cardinal Santos Medical Center para sa Endoscopy./Kris Jose