Pagsasara ng border dahil sa monkeypox, ‘di oks kay Duque

Pagsasara ng border dahil sa monkeypox, ‘di oks kay Duque

May 23, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi pa kailangang magsara ng mga border ang bansa sa gitna ng banta ng monkeypox virus.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa dapat gawin sa ngayon ang mas mahigpit na border control dahil patuloy namang umiiral ang mga hakbang para sa COVID-19 gaya ng mas mahigpit na surveillance at symptom screening.

Dagdag pa ng kalihim, inatasan na rin niya ang Bureau of Quarantine para bantayan ang mga pumapasok na pasahero mula sa mga bansang may na-detect nang kaso ng monkeypox.

Kabilang dito ang Canada, Italy, Sweden, Spain, Portugal, Europe, at North America.

Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.

Sabi pa ni Duque hindi kagaya ng COVID ang bilis ng pagkalat ng monkeypox.

“Kasi ito ang mode of transmission nito, direct physical contact. So tao sa tao, skin to skin. Pagka halimbawa, meron source yung bodily fluids, may exchange of bodily fluids… puwede din daw may sexual transmission,” saad niya.

“’Yan yung nana, yung dugo, kailangan magkalipatan,” dagdag ng kalihim.

Kabilang sa mga sintomas ng monkeypox ay lagnat, rashes, at swollen lymph nodes.

Less contagious ang monkeypox at hindi gaanong nagdudulot ng malalang sakit di kaya ng small pox.

Una nang sinabi ni Duque na hindi pa ikinokonsidera ng WHO nab anta sa public health ang nasabing sakit. RNT/ JCM