Pagsimangot ni Jinkee, inokray ni Cristy!

Pagsimangot ni Jinkee, inokray ni Cristy!

July 28, 2022 @ 8:41 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Pinaksa ni Cristy Fermin sa kanyang radio program ang diumano’y pagmamaldita ni Jinkee Pacquiao.

Kasalukuyang nasa Los Angeles ang mag- asawang Manny at Jinkee para bisitahin ang kanilang anak na si Jimuel.

Ibinalita ng programang Cristy Ferminute na doon na raw naninirahan ang gustong sumunod sa mga yapak ng boksingerong ama.

Ang co-anchor ni Cristy na si Rommel Tsika ang nagbukas ng diskusyon.

Nabalitaan daw kasi nito ang ginawang pagmamaldita ni Jinkee sa LA.

Ipinunto ni Cristy na dapat daw ay marunong makibagay si Jinkee dahil bisita lang siya sa lugar na ‘yon.

Kaso raw ay marami ang nakakapansin na lagi itong nakasimangot sa harap pa mandin ng mga kapwa Pinoy.

Ibinase ni Cristy ang kuwento mula sa kaibigang source.

Along the discussion, hindi napigilan ni Cristy na ipunto ang umano’y matigas na gandang taglay ng maybahay ng binansagang Pambansang Kamao.

Naisyu tuloy ang pagiging “Salamat po, doktor” ni Jinkee na ang ibig sabihi’y sumailalim ito sa siyensya para magmukhang maganda.

Giit ni Cristy, “Kung ‘di pa sa doktor, eh, mukha siyang buruka!”

Cristy’s point was, matuto raw si Jinkee na pakitunguhan nang maayos ang mga tao, hindi ‘yung nakabusangot ito.

Hindi na bago ang balita tungkol sa ganitong pakikitungo’t asal ni Jinkee sa tuwing nag-a-abroad. Ronnie Carrasco III