PAGSISIKAP AT HUSAY NG MAYNILA SA PAGLILINIS PINURI NG DENR

PAGSISIKAP AT HUSAY NG MAYNILA SA PAGLILINIS PINURI NG DENR

November 21, 2020 @ 12:25 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

PINURI ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa mahusay na pagpapatupad nito ng solid waste management at paglilinis sa lungsod sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda, karapat-dapat na bigyan ng pagkilala si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ang kanyang mga nasasakupan dahil na rin sa pagbibigay ng proteksyon sa kapaligiran.

“We wish to thank all Manileños led by Mayor Isko for their untiring efforts to manage solid waste disposal in the city and to sustain our Manila Bay rehabilitation efforts,” sabi ni Antiporda.

Kinilala rin ni Antiporda ang Manila Department of Public Services-Team Mandaragat dahil sa mabilis na pagresponde ng mga ito at agarang pag-aksyon para linisin ang makasaysayang baybayin bago, habang kasagsagan at pagkatapos ng bagyong Ulysses.

“We are very happy that the honorable mayor and the people of Manila have given prime importance to the care of the environment,” saad pa ni Antiporda.

Pinasalamatan din ng DENR official si Domagoso sa pagpapaalala nito sa kanyang mga nasasakupan sa epekto ng ganitong uri ng bagyo na sanhi ng hindi tamang pagsasaayos ng basura, pagkaroon ng pagbaha at banta sa buhay ng tao, kaya nararapat lamang na pangalagaan ang kapaligiran.

Bukod sa solid waste management at bay cleanup, nagsagawa rin ang Maynila ng iba’t ibang aktibidad tulad ng paggawa ng vertical at horizontal gardens at pagtalaga ng mas maraming open spaces na makatutulong sa pagsasaayos sa kalidad ng hangin.

Sa kanyang mensahe sa naganap na flag-raising ceremony noong Lunes (16 Nov.) na idinaos sa Kartilya ng Katipunan Park sa Maynila, inulit ni Domagoso ang kanyang panawagan sa lahat ng Manileños na linisin ang lahat ng kalsada at mga daluyan ng tubig.

“Linisin natin ang ating lungsod. Ang kalsada dapat malinis; ang ilog o creek dapat hindi basurahan; ang dagat, hindi tapunan. Pagmalasakitan ang lahat ng kapaligiran,” sabi ni Domagoso.

Pinuri rin ni Antiporda si Domagoso dahil sa pagbibigay nito ng importansya sa paglilinis at pagpapaganda ng tinaguriang “highly populated city” tulad ng Maynila.

“It is thus but fitting that we give back to the city to enable them to carry out this formidable task as our partners in environmental protection,” pahayag ni Antiporda.

Nagbigay ang DENR ng 100 piraso ng yellow trash bins para sa 100 barangays sa Maynila upang matugunan ang problema sa tamang pagtatapon ng face masks at personal protective equipment (PPE) o ang tinatawag na household healthcare waste.

Ang mga dilaw na trash bins na ito ay gagamitin lamang para mga nabanggit na uri ng waste.

“This is only an initial donation. Another 300 will be provided and a third batch will be coming until all the 800 barangays will have their own yellow trash bins to ensure that residents and businesses know where to throw these potentially infectious and contaminated COVID-19 related wastes,” dagdag pa ni Antiporda.

Ang mga trash bin ay ipinagkaloob kay Domagoso sa pagdaraos ng flag-raising ceremony ng lungsod.


  •  
  •  
  •  

Loading...