PAGSISIKAP NG DENR SA MANILA BAY REHAB, PINURI NI CHIEF JUSTICE

PAGSISIKAP NG DENR SA MANILA BAY REHAB, PINURI NI CHIEF JUSTICE

October 18, 2020 @ 12:11 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

NAKIPAGKITA si Environment Secretary Roy A. Cimatu kay Chief Justice Diosdado M. Peralta at lima pang justices ng Supreme Court upang ipaliwanag ang mga pagsisikap na ginagawa sa rehabilitasyon ng makasaysayang Manila Bay.

Inilibot din ni Cimatu ang mga mahistrado sa “white sand beach” at iba pang ginagawang pagpapaunlad sa Baywalk area na siyang “focal point” ng Manila Bay rehabilitation project.

Ito ay batay na rin sa 2008 writ of continuing mandamus na inisyu ng Kataas-taasang Hukuman na nag-aatas sa Department of Environment and Natural Resources at 12 pang ahensya ng gobyerno na panumbalikin ang kalidad ng tubig sa Manila Bay sa antas na maaari na itong pagliguan at paglanguyan.

Pinuri ni Peralta ang DENR at ang iba pang mandamus agencies dahil sa sipag at determinasyon ng mga ito na makasunod sa mga nakasaad sa 12 taon na direktiba.

“Hindi lang sila (mandamus agencies) sumusunod, sumusunod nang husto. Nakita naman namin na maayos ang ginagawa,” sabi pa ng Punong Mahistrado.

Bago pa mangyari ang tour, nagkaroon ng meeting ang mga mahistrado sa kalapit na hotel kung saan ang environment chief ay nagbigay ng update sa pagsisikap na linisin ang Manila Bay ng administrasyong Duterte na tinawag na “Battle for Manila Bay.”

“Today, we are pleased to be given the chance to present to you the fruits of our commitment and continuous collaboration with the mandamus agencies and other institutions,” saad ni Cimatu sa kanyang opening remarks.

“We are honored to be given the chance to showcase what we have done so far and to present what we have planned to do more for the bay,” dagdag pa nito.

Ayon kay Cimatu, ang matagal na pagkakatengga ng rehabilitasyon ng Manila Bay ay nakakuha ng “momentum” nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na linisin ang makasaysayang look kasabay ng pagbuo ng Manila Bay Task Force na pinamumunuan ng DENR.

Bilang istratehiya, sinabi ni Cimatu na hindi lamang nililinis ng gobyerno ang baybayin kundi maging ang mga upstream na pinanggagalingan ng mga basurang napupunta rito. “The cleanup is a continuing and sustained activity where the communities and local government units are made integral part of the efforts,” aniya.

Sinabi pa ng DENR chief na ang paglilinis ay sinamahan nila ng “culture and behavior change communication interventions.”

“This is because we firmly believe that reforming attitudes and behavior towards responsible environmental citizenship and institutionalizing cultural reforms are the key ingredients in making the rehabilitation successful,” dagdag pa ni Cimatu.

Bagama’t limitado ang mga pagkilos at may mga bawal na ipinatutupad dahil sa COVID-19, sinabi ni Cimatu na malaki pa rin ang nagawa ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

“In a nutshell, our accomplishments include, among others, employing geo-engineering solutions, beach nourishment project, dredging and desilting activities, and construction of sewage treatment plant,” sabi ni Cimatu.

“In the days to come, we will see the completion of the construction of a circumferential sewage interceptor and communal septic tank specifically for the BASECO area,” dagdag pa nito.

Tiniyak din ng dating Armed Forces chief sa mga mahistrado na hindi naapektuhan ang DENR sa mga sinasabi ng kritiko sa ginagawang rehabilitasyon ng gobyerno partikular na ang tungkol sa beach nourishment project.

Sinabi pa ni Cimatu na palaging “transparent” ang DENR sa mga ginagawa nito, kaya nga natutuwa ang ahensya sa napakaraming suportang ibinibigay ng publiko.

“Are we bothered? Certainly not. As long as we are performing our duties right, we need not bothered,” malakas na pahayag ni Cimatu.

“For now, we will continue our battle for Manila Bay. With collective efforts, tasks are done with relative ease,” pagtatapos nito.

Bilang tugon, sinabi ni Peralta na napahanga siya sa kinalabasan sa “cleanup efforts” ng gobyerno partikular na ang mababang coliform level ng wastewater na lumalabas sa STP na matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Matapos dumaan sa STP, ang mga wastewater mula sa tatlong “major drainage outfalls” na Padre Faura, Remedios at Estero de San Antonio Abad ay nasukat na mayroong 49 most probable number per 100 milliliters, na mas mababa sa kinakailangang 200 mpn/100ml para sa Class SB waters na maituturing na ligtas para paglanguyan.

Sinamahan si Peralta nina Associate Justices Rodil Zalameda, Mario Lopez, Ramon Paul Hernando, Edgardo delos Santos at Ricardo Rosario.

Kasama rin sa pulong sina Court Administrator Midas Marquez, SC Spokesperson and Public Information Office Chief Brian Keith Osaka, Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto R. Bernardo at Director Ador Canlas ng DPWH-National Capital Region.


  •  
  •  
  •  

Loading...