Pagsita sa mga indibidwal na ‘di nakasuot ng face mask, walang legal na basehan – Cebu gov’t

Pagsita sa mga indibidwal na ‘di nakasuot ng face mask, walang legal na basehan – Cebu gov’t

June 13, 2022 @ 3:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Cebu Governor Gwen Garcia nitong Lunes na walang legal na basehan ang mga awtoridad upang sitahin ang mga indibidwal na hindi nagsusuot ng face mask sa labas sa nabanggit na probinsya.

Sa executive order na ipinalabas nitong nakaraang linggo, sinabi ni Garcia na hindi mandatoryo ang pagsusuot ng face mask sa mga bukas at well-ventilated na mga lugar.

Iginiit naman ni Interior Secretary Eduardo Año na sinumang lalabag sa health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask ay maaaring arestuhin kung kinakailangan at hindi umano niya kinikilala ang EO na ipinalabas ni Garcia.

“There’s no legal basis and I will stand for that…There’s no legal basis for apprehending people (who) are outside in open, well-ventilated areas not wearing face masks. If they wish to continue wearing face masks, that is their choice,” pahayag ni Garcia.

“I had long ago issued a statement do not apprehend these people, give them face masks. Let’s not make this punitive,” dagdag niya.

“The President says one thing and does another thing. Sa’kin lang let’s not be hypocrites here. Bakit pa magmamaang-maangan pa tayo.”

“There are certain regulations that are unimplementable. Let’s put some sense,” giit pa niya.

Ayon pa kay Garcia, sa ilalim ng Section 5 ng pinakabagong Inter-Agency Task Force resolution na ipinalabas nitong Hunyo 4, kinikilala ng task force ang awtonomiya ng llocal government units.

“It’s very clear ‘provided further there is no objection from local government unit where these activities take place,” pahayag ni Garcia.

“This specifically recognizes the autonomy of local government units units. This IATF task force must at all times consult with local government unit,” sabi pa niya.

Binanggit din niya ang Section 105 ng Local Government Codekung saan nakasaad na “health secretary may assume direct supervision and control of health operations in any LGU for 6 months.”

“Let us temper our reaction and our way of addressing the challenge. Let’s not bring this to unimplementable levels,” apela niya.

Matatandaang sinabi ng Department of Health na hindi ito kinonsulta ng Cebu local government bago ipalabas ang EO. RNT/SA