Pagsulong ng Bayanihan 3 tuloy sa Kamara

Pagsulong ng Bayanihan 3 tuloy sa Kamara

July 28, 2021 @ 7:31 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isusulong pa rin sa Kamara ang Bayanihan 3 sa kabila ng pahayag ng Malakanyang na hindi na ito kailangan.

“The (P401) billion Bayanihan 3 is already tapos na sa atin and ang napag-agreehan yata dito between the Senate and the House of Representatives and ‘yung grupo ng economic managers is to consolidate it much more to about, if I’m not mistaken, about P140 to P170 billion para liliit kasi hindi nga makahanap ng budget pero so far, nakahanap na raw ng budget. I think magpo-proceed ito,” sinabi ni House Deputy Speaker Michael Romero sa Ugnayan sa Batasan media forum.

“I reiterate the call for both the Executive branch of government and the economic managers to pursue itong Bayanihan 3, kahit on a smaller scale. Puwede mo naman i-tier 1, tier 2 funding,” dagdag ng mambabatas.

Giit ng ilang mambabatas na dapat kaagad matugunan ang mga pangangailangan ng mga Filipino sa gitna ng pandemya kung saan nakapaloob ito sa Bayanihan 3.

Anila hindi kaagad mabibigyan ng ayuda ang mga Filipino kung isasama ito sa General Appropriations Act sa susunod na taon. RNT/ELM


  •  
  •  
  •