Pagsunod ng PhilHealth sa itinakdang presyo ng COVID-19 test, ‘di pa napag-uusapan – Duque

Pagsunod ng PhilHealth sa itinakdang presyo ng COVID-19 test, ‘di pa napag-uusapan – Duque

December 1, 2020 @ 5:29 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hanggang sa ngayon ay hindi pa napag-uusapan ng mga kinauukulang ahensya ang usapin ulol  sa posibleng adjustment sa package rate ng PhilHealth Para sa COVID testing, makaraang maglabas ang Department of Health (DoH) at Department of Trade and Industry (DTI) ng price range ng RT-PCR test.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III  sa Laging Handa briefing na sa  kasalukuyan ay pinag-aaralan na ang bagay na ito  lalo pa’t mayroon ng  tinatawag na three-tiered testing feeS  O tatlong kategorya ng pagbabayad ng Covid19 testing ang PHILHEALTH.

Sinabi ng Kalihim na kailangang mapag-aralan muna itong mabuti dahil magkakaiba aniya ang presyo ng testing pagdating sa mga  goVernment laboratories, priVate testing clinic na walang subsidiya mula sa pamahalaan at mga private laboratory na mayroon namang ayudang nakukuha mula sa pamahalaaan.

Aniya, kailangan muna nilang balansehin at tingnan Ang mga bagay na ito upang malaman kung ano ang mga Package Rate Adjustment na puwedeng ipatupad ng Philhealth sa mga covid19 testing Center na accredited ng kanilang ahensya.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec. Duque na sa mga darating na araw ay mabibigyang linaw na kung anong direksiyon ang tatahakin ng PhilHealth patungkol sa  bagong price range na kinakailangan aniyang sundin ng lahat ng mga testing Laboratories o centers sa buong bansa. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...