Pagsunod ng Pinas sa One-China principle ‘di nagbago-Malakanyang

Pagsunod ng Pinas sa One-China principle ‘di nagbago-Malakanyang

August 5, 2022 @ 6:58 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Hindi nagbabago at patuloy na sumusunod ang Pilipinas sa One-China policy, ayon sa Malakanyang.

Ang kumpirmasyon ng Pilipinas ay sa gitna ng tensyon ng Beijing at Taiwan kasunod ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.

“We have not changed our policy,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nang tanungin hinggil sa nasabing usapin isang araw matapos hingan ng reaksyon at komento sa sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na kailangang sundin ng Pilipinas ang “One-China principle.”

“We reiterate ASEAN Member States’ support for their respective One-China Policy,” ang bahagi ng ASEAN Foreign Ministers’ statement na nagpahayag ng concern hinggil sa kamakailan lamang na kaganapan sa lugar, kalapit ng rehiyon.

Ang ASEAN groups ay Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam.

“The Philippines adheres to the One-China policy,” ayon din sa kalatas ng DFA.

Sa ulat, pinaalalahanan ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang Pilipinas na sundin ang One China policy sa gitna ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan kasama ang legislative delegation.

“The One China principle is an international consensus and universally recognized basic norm governing international relations. It is also the political foundation of China-Philippines relations. It is our hope that the Philippine side will strictly abide by the One China principle and handle all Taiwan-related issues with prudence to ensure sound and steady development of China-Philippines relations,” ayon kay Huang.

Si Pelosi, namuno sa six-member US congressional delegation, ay nasa Asian swing ngayong linggo at lumapag kagabi sa Taiwan.

Pero, ayon sa ilang ulat, nag-stop over muna sa Clark , Pampanga sina Pelosi bago tumuloy sa Taiwan.

Gayunman, sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza na hindi nakatanggap ang bansa ng request mula sa U.S. kaugnay ng transit ni Pelosi sa Pilipinas.

Sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng US at China dahil sa Taiwan trip ni Pelosi, sinabi ni Daza na masusing mino-monitor ng Pilipinas ang sitwasyon.

Nanawagan din si Daza sa US at China na panatilihin ang komunikasyon sa pagitan ng kanilang mga bansa para maiwasan ang anomang “miscalculation” na pwedeng magpalala pa sa tensyon sa rehiyon.

“We trust that China and the United States will be responsible actors in the region,” dagdag na pahayag nito.

“In deference to the One China policy, the Philippines does not have diplomatic ties with Taiwan, a democratic self-ruling island that has been separated from the Chinese mainland since 1949 but is still claimed by China as part of its territory,” ayon sa ulat.

Ang pagbibigay aniya ng access kay Pelosi sa Pilipinas para sa brief stopover nito ay maaaring maging dahilan para maghain ng diplomatic protests ang China laban sa Pilipinas.

“China firmly opposes any official exchange or visit between the US and Taiwan region of China. This position is clear and consistent. There is only one China in the world,” ayon kay Huang, binigyang diin nito na ang Taiwan ay “an inalienable part of China’s territory.”

“The government of the People’s Republic of China is the sole legal government representing the whole of China. The One-China principle is the political foundation of the diplomatic relations between China and 181 countries in the world, including the US,” aniya pa rin.

“The US side and ‘Taiwan independence’ separatist forces must assume full responsibility for any ensuing consequences,” dagdag pa ni Huang. Kris Jose