Pagsunod sa protocols, vaccination magpapababa ng COVID cases pagtapos ng holidays

Pagsunod sa protocols, vaccination magpapababa ng COVID cases pagtapos ng holidays

December 8, 2021 @ 5:16 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Makatutulong na makapagpababa ng COVID case ang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) at mataas na vaccination rates kahit pa pagtapos ng holidays, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Basta ‘wag lang tayo magluluwag ng pansariling proteksyon, ‘yung MPHS kung tawagin ay baka naman maliit lang ‘yan. Baka naman hindi din ‘yan tutulad, hindi na rin yan aabot tulad ng Delta,” lahad ni Duque sa panayam ng Super Radyo dzBB.

“[H]opefully, ‘yung surge kung meron man ay hindi sana tutulad sa pinakamataas natin.”

Sinabi rin ng independent monitoring group OCTA Research na ang coronavirus surge na na-trigger ng Omicron variant ay maaaring maramdaman sa Enero 2022. RNT/FGDC