2 jobless luminya sa droga, nalambat ng PDEA!

February 7, 2023 @1:39 PM
Views: 9
MANILA, Philippines- Nalambat ang dalawang jobless sa illegal drugs controlled delivery ng magkasanib na pwersa ng PDEA NCR SDUO at NAIA-IADITG sa Makati City magtatakipsilim Lunes.
Sa inisyal na ulat, nadakip ang mga suspek na sina Angeline Clair Nacua, 25-anyos na residente ng #603 SM Jazz Residence, Tower B, Nicanor Garcia St., Makati City; at CHOI SOL na Korean National, na residente ng #5-B A Ricarte St., Phase 4, AFPOVAI, Western Bicutan, Taguig City makaraang tanggapin ang parcel .
Tinatayang ang 1 parcel ay mayroong humigit-kumulang 255 gramo ng crystalline substance na hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na may current street value na P1,734,000 na itinago sa antique french telephone.
Una rito ay nagplano ang operating Units NAIA-IADITG, PDEA NCR- SDO at Makati City Police Sub-Station 6 Bgy. Poblacion ng Controlled Delivery dakong alas-5:30 ng hapon nitong February 6, 2023 sa SM Jazz Residence, Nicanor Garcia Street, Makati City – Bel-Air, sa harsp Coffee Bean and Tea Leaf Shop.
Nakumpiska sa suspek ang 1 parcel na may airway bill no. 74 4706 0714 na deklaradong “Antique French Phone” na ipinadala ng Bleu Griotte ng Marceau Leandres 17 Grande Rue 69110 Ste Foy Les Lyon, France na naka-consign kay Angeline Claire Nacua ng SM Jazz Residence, H27C+6PP, Nicanor Garcia Street, #1747 Tower D, 1209 Makati City – Bel-Air. na naglalaman ng styro- fillers; at 1 bubble wrap na may1 antique french phone na may black sack bag; at 1 transaprent plastic pouch na naglalaman ng more or less 255 gramo ng white crystalline substance; 1 Blue clipboard; 1 Parcel receipt; 1 kopya ng Invoice; 2 ID; 3 Cellular Phones; 4 Master Cards.
Dinala ang mga nakumpiskang drugs materials sa pdea laboratory para sa kaukulang pagsusuri, habang ang mga suspek ay sa PDEA detention facility mananatili habang hinihintay ang desisyon ng korte. Dave Baluyot
P1.5M narra, nasabat sa checkpoint sa N. Vizcaya

February 7, 2023 @1:39 PM
Views: 7
NUEVA VIZCAYA- Tuluyan nang sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines ang tsuper ng isang wing truck na may kargang narra na nagkakahalaga ng P1.5 milyon mula sa probinsya ng Apayao, na nasabat sa isang checkpoint sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PMaj Jolly Villar, Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang wing truck na galing sa lalawigan ng Apayo na papuntang Bulacan ay nasabat sa checkpoint sa Tactac, Sta. Fe, Nueva Vizcaya ng pinagsanib na pwersa ng Department of Environemnt and Natural Resources (DENR), Sta. Fe Police Station at 3rd Mobile Platoon ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (NVPMFC).
Lulan ng wing trck ang 3,000 board feet ng iba’t ibang sukat ng narra lumber.
Inamin ng tsuper ng truck na ang mga nilagaring narra ay galing sa lalawigan ng Apayao.
May mga escort na sasakyan ang wing truck ngunit nang mahuli ito sa checkpoint ay tumakas ang mga sumusunod na sasakyan.
Atubili umano ang tsuper na sabihin sa mga otoridad kung sino ang nagmamay-ari sa mga nilagareng narra na dadalhin sana sa Bulacan.
Inamin ni PMaj Villar na may nag-tip sa kanila kaya hinuli sa checkpoint ang wing truck na naglalaman ng mga nilagareng narra.
Sasampahan din ang tsuper ng wing truck ng paglabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation Code of the Philippines dahil natuklasan nila na tinanggal ang orihinal nitong plaka at pinalitan ng iba.
Ang mga nasabat na narra lumber ay naka-impound na sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Aritao, Nueva Vizcaya habang ang tsuper ng wing truck ay nasa kustodiya ngayon ng Sta. Fe Police Station.
Ito na ang ikalawang malaking volume ng mga nilagareng kahoy na nasamsam sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil noong nakaraang taon ay may nakumpiska ng awtoridad sa bayan ng Aritao na maraming nilagaring kahoy na mahigit P1 milyon din ang halaga. Rey Velasco
Most wanted ng Malabon, nasakote sa QC

February 7, 2023 @1:26 PM
Views: 8
MANILA, Philippines- Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang binata na listed bilang most wanted sa Malabon City matapos matimbog sa isinagawang manhunt operation sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Ellice Palad, 27 ng 111 Manapat St., Brgy. Tañong.
Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon police na madalas umanong maispatan ang presensya ng akusado sa Quezon City.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang tracker team at SIS sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Captain Richell Siñel ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Palad sa Rockville Subdivision Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City dakong alas-7:30 ng umaga.
Si Palad ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa Frustrated Murder na inisyu ng Malabon City Regional Trail Court (RTC) Branch 291 noong Agosto 2, 2022. Boysan Buenaventura
Implementasyon ng sexuality education sa paaralan, pinasusuri ni Gatchalian

February 7, 2023 @1:13 PM
Views: 15
MANILA, Philippines- Habang naaalarma ang Commission on Population and Development (POPCOM) sa bilang ng maagang nagbubuntis sa kabataan na may edad 10 hanggang 14 taong gulang, magsasagawa naman si Senador Win Gatchalian ng isang pagdinig upang patatagin ang pagpapatupad ng Department of Education ng Comprehensive Sexuality Education (CSE).
Bumaba naman ang kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang 15 hanggang 19 taong gulang. Gamit ang datos mula sa Civil Registry of Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA), iniulat ni POPCOM director Lisa Grace Bersales na may 2,113 na mga kabataang 10 hanggang 14 taong gulang ang nanganak noong 2020.
Ayon naman sa datos ng Field Health Service Information System ng Department of Education (DepEd), 2,354 ng mga batang babae mula sa naturang age group ang nanganak noong 2020 at 2,299 naman ang nagsilang noong 2021.
Inihain ni Gatchalian noong nakaraang taon ang Proposed Senate Resolution No. 13 upang masuri ang mga kaso ng maagang pagbubuntis at pag-akyat ng bilang ng may Human Immunodeficiency Virus (HIV) infections sa mga kabataan. Sa gagawing pagdinig, rerepasuhin ang kasalukuyang polisiya ng CSE upang masuri kung gaano kalawak ang saklaw nito at kung napapatupad nga ba ito nang maayos.
Nakabatay ang pagpapatupad ng CSE sa DepEd Order No. 31 s. 2018 na inisyu alinsunod sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Act (RPRH) of 2012 (Republic Act No. 10354). Mandato ng batas ang pagtuturo ng naaangkop na reproductive health education sa mga paaralan. Mandato naman ng DepEd na bumuo ng curriculum para magamit ng mga pampublikong paaralan.
Ngunit pinuna ng United Nations and Population Fund (UNFPA) na natagalan ang integration at pagpapatupad ng CSE sa K to 12 curriculum. Lumabas din sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang mga hamong kinakaharap ng pagpapatupad ng CSE, kabilang ang kakulangan ng mga pasilidad at learning materials. Hindi rin sapat ang mga pagsasanay sa pag-integrate ng sexuality education sa curriculum, ayon sa pag-aaral.
“Napagkakaitan ng oportunidad na makapag-aral at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga batang nagiging ina. Sa gitna ng nakakaalarmang bilang ng mga batang 10 hanggang 14 taong gulang na nagiging ina, napapanahong suriin natin nang mabuti kung epektibo nga ba ang polisiya ng ating mga paaralan sa pagpapatupad ng comprehensive sexuality education,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education. Ernie Reyes
Kumpletong nutrition program para sa senior citizen, suportado ni Bong Go

February 7, 2023 @1:00 PM
Views: 19