Pagsuntok sa dibdib ng nasawing PMMA cadet, lambing lang – suspek

Pagsuntok sa dibdib ng nasawing PMMA cadet, lambing lang – suspek

July 9, 2021 @ 8:23 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Aminado ang suspek sa pagkamatay ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) cadet na natagpuan sa barracks sa San Narciso, Zambales na dalawang beses sinuntok niya ang biktima sa dibdib ngunit ito ay isang lambing lamang.

“Scheduled mag-break ‘yong victim, uuwi siya ng Mindanao, so sabi niya (Gloria), ‘Matagal na tayong hindi magkikita kabayan so I’m happy for you. Makakauwi ka na sa atin. Good luck!’ Parang ganoon. Parang, ‘Pabaon ko lang ito, lambing lang,'” lahad ni Zambales Police provincial director Police Colonel Romano Cardiño.

“‘Kaldag’ nga ang tawag nila. Unang beses tapos tawanan sila. Tapos isang beses pa ulit, ‘Oh, isa pa, isa!’ ‘Yon, ‘pag ‘kaldag’ daw niya ng pangalawang beses, doon na daw nag-collapse.”

Naunang sinabi ng mga awtoridad na walang problema sa pagitan nina Bondoc at Gloria.

Naisampa na rink ay Gloria ang kasong homicide at tinanggal na bilang cadet. RNT/FGDC