Pagsuot ng face shields mandatory na sa mga tsuper, konduktor

Pagsuot ng face shields mandatory na sa mga tsuper, konduktor

August 10, 2020 @ 1:14 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magiging mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield sa mga Public Utility Vehicle (PUV) driver at mga konduktor maliban pa sa face mask, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2020-33 na inilabas ng LTFRB nitong Agosto 7, mag-uumpisa ang nasabing kautusan sa darating na Agosto 15.

Una nang naglabas ng kautusan ang Department of Transportation’s (DOTr) sa mga pasahero na magsuot ng magsuot ng face shield bilang proteksyon kontra coronavirus disease o COVID-19.

Nabatid na ang hindi susunod sa nasabing kautusan ay hindi pasasakayin sa lahat ng pampublikong sasakyan.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin pinapayagan ang lahat ng uri ng PUV dahil sa umiiral na Modifeid Enhanced Copmmunity Quarantine sa Metro Manila at kalapit-probinsya hanggang Aug. 18 dahil pa rin sa nasabing sakit. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...