Pagsuporta ng NP kay Velasco ok kay Cayetano, pagsali nito sa minority malabo- Rep. Barbers

Pagsuporta ng NP kay Velasco ok kay Cayetano, pagsali nito sa minority malabo- Rep. Barbers

October 16, 2020 @ 12:25 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw kahapon ni Surigao del Norte Rep Robert Barbers na aprubado at nilagdaan din ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang manifesto ng Nacionalista Party na kinaaniban nito para suportahan ang liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco, ayon kay Surigap Rep Robert Barbers.

Kasabay nito, sinabi ni Barbers na malabong sumanib sa Minority Bloc ng Kamara si Cayetano ito ay sa harap na rin ng alok ni House Minority Leader Benny Abante na handa nyang ibigay ang posisyon bilang Minority Leader kay Cayetano sakaling umalis na sa Mayorya at sumanib sa Minority.

“There is no truth to the rumor that we will become minority. All 44 NP members in the House, including Cayetano and his wife, Taguig Rep. Lani Cayetano, have signed the manifesto. I don’t think there’s a possibility that Speaker Alan will become a member of the minority.It is very clear in our manifesto that as a block, as a group headed by former Speaker Alan, we are supporting Speaker Lord Velasco.”paliwanag ni Barbers.

Aminado si BArbers na ang nais sana ng NP ay wala nang pagbabago sa key positions sa Kamara subalit batid din umano nila na nanatiling may prerogative si Velasco sa balasahan bagamat umaasa silang susunud ito sa kasunduan na walang magagalaw sa mga Chairmanship sa mga committee at Deputy Speakers.

Matatandan na si Camarines Sur Rep Lray Villafuerte na kaalyado ni Cayetano ay una nang tinanggal sa kanyang posisyon bilang Deputy Speaker na kanyang tinuring na isang paraan ng paghihiganti ng kampo ni Velasco dahil sa pagiging kritiko nito. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •  

Loading...