Pagsuspinde sa Halalan 2022 inihirit ng isang grupo

Pagsuspinde sa Halalan 2022 inihirit ng isang grupo

January 4, 2022 @ 2:30 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Inihirit ng isang grupo sa Commission on Elections (Comelec) na aksyunan ang petisyon nito na suspendihin ang eleksyon sa Mayo 9, 2022 dahil maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga botante sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nitong Martes ay naghain ang Coalition for Life and Democracy ng urgent motion upang magtakda ng hearing at manifestation kaugnay ng December 10, 2021 petition na inihain nito sa Comelec na naglalayon na ilipat ang petsa ng eleksyon.

“Unless the elections is suspended or postponed, the exposure of people to death and health hazard will continue and intensify, a situation that is most unfair and suicidal on the part of all electors,” saad sa petisyon ng grupo.

“Worst, many would be disenfranchised as people would, for fear of losing their lives, avoid going to polling precincts to cast their votes,” patuloy nito.

Binanggit din ng grupo ang mga hindi pa na nareresolbang petisyon para sa dwiskwalipikasyon ng mga naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa Halalan 2022, maging ng party-list groups na hindi sumang-ayon sa desisyon ng Comelec na ibasura ang kanilang akreditasyon upang makasali sa eleksyon.

“The need to defer printing and holding of elections appears warranted, highly necessary, legitimate, prudent and proper,” batay sa petisyon.

“With the obtaining circumstances, the holding of a clean, free, orderly and honest elections appears highly difficult, if not impossible,” dagdag pa dito.

Nauna nang sabihin ni Comelec spokesperson James Jimenez na malabong magtagumpay ang petisyong ito dahil salungat sa Konstitusyon ang pagsuspinde sa eleksyon.

Base kay Jimenez, walang probisyon ang Konstitusyon kung saan nakasaad na mananatili sa kanilang pwesto ang mga opisyal sakaling hindi matuloy ang eleksyon.

“The Constitution is very specific about when elections are to be held and there is no holdover provision in the Constitution or anywhere for the positions that is up for election in the coming polls,” aniya. RNT/SA