Pagsuspinde sa klase ng regional, school division pwede – DepEd

Pagsuspinde sa klase ng regional, school division pwede – DepEd

January 14, 2022 @ 6:46 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – May karapatan ang mga regional at school division na magdeklara ng suspensyon ng klase sa Enero sa gitna ng nararanasang COVID-19 surge.

“The regional and schools division offices are given the option, based on their reliable assessment of the health status of their teachers and learners and the IATF risk classification, to declare suspension of classes within the month of January 2022,” saad ito sa pinirmahang memorandum ng Department of Education.

Saad pa na ang lahat ng synchronous at asynchronous class at ipahihinto, maging ang pagsuspinde sa pagpapasa ng academic requirements at pagsasagawa ng iba pang teaching- related activities ay dapat na ire-schedule.

Ang pagsasailalim sa suspensyon ng klase at pagdetermina ng bilang ng araw ay nakaatang sa mga nasabing opisina hanggat hindi ito lalagpas ng dalawang linggo, ayon pa sa DepEd.

Ipinaalala pa ng DepEd na dapat masiguro ng mga opisina na pasok pa rin ang magiging bilang ng school days sa bilang ng itinakda ng Republic Act 11480.

Sa kabilang bands, para sa mga pribagong eskwelahan, anang DepEd na pwede rin sila magsuspinde ng klase dahil sa mataas na COVID-19 cases basta naikonsulta ito sa mga magulang. RNT