Pagsusulong ng DOE sa offshore wind power aprub kay PBBM

Pagsusulong ng DOE sa offshore wind power aprub kay PBBM

November 10, 2022 @ 9:06 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang plano ng Department of Energy (DOE) na  i-explore at i-develop ang  offshore wind potential  ng bansa bilang “source of sustainable energy.”

Bago lumipad patungong  Cambodia para dumalo sa ASEAN Summit,  nakipagpulong si Pangulong Marcos at inatasan si  DOE Secretary Raphael Lotilla at iba pang opisyal ng departamento na  ituloy ang  offshore wind energy production initiatives nito.

Para kay Pangulong Marcos, dapat na pamahalaanan ng DOE ang regulatory functions para ma- streamline ang  coordination at gawing simple ang  approval process,  habang ipinanukala ng departamento  ang Offshore Wind Development and Investment Council.

“It should be the Department of Energy who should be talking with the OSW developers, in consultation with the council, of course. It has to be led by the DOE,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.

Ang konseho ay kinabibilangan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at magsislbi bilang one-stop shop para sa  OSW developers.

Iniulat naman ng  DOE kay Pangulong Marcos na mayroong  42 approved offshore wind contracts na may  indicated capacity na  31,000 megawatts (MW).

“There is a strong interest from the private sector, especially from countries considered leaders in offshore wind technology such as Denmark, Norway, and the United Kingdom, in this project,” ayon kay Lotilla.

Ang Pilipinas aniya ay mayroong kakayahan na mag-deploy ng 40 gigawatts ng  OSW electricity sa taong 2050.

“This is more than enough to cover the 500,000 MW projected peak demand the country will require by 2040 based on DOE’s medium- to long-term power outlook,” ayon sa Kalihim.

Sa isang panayam kay Pangulong Marcos  nang patungo na ito sa Cambodia,  tinuran ng Chief Executive na kailangang tiyakin ng gobyerno ang sapat na suplay ng kuryente sa gitna ng tumataas na halaga ng langis.

“Then there was the issue of course of the fuel cost. How we’re going to run the gas plants…? All of these things. How to find ways to ensure that we have power, we have enough power at least in the short term,” wika nito.

Sinabi pa  ng Pangulo na napag-usapan din nila ang paraan paano ibababa ang presyo ng langis.

“In the long term, talagang kulang talaga tayo. So we’ll have to do that. Also… we spent a long time talking about how to bring down the prices. And we went down to the distribution, to the mix that they are doing,” ani Pangulong Marcos.

“There’s a way to rationalize your supply of power, the mix of supply of power,” lahad nito.

“So we’re thinking of… No, in fact, we’ve started going to the local cooperatives to show them how to do that. So that they can get the cheapest — they can sell power at the cheapest price possible,” dagdag na pahayag ng Pangulo. Kris Jose