Pagsusulong ng kapayapaan, pag-unlad sa BARMM tututukan ng Marcos admin

Pagsusulong ng kapayapaan, pag-unlad sa BARMM tututukan ng Marcos admin

October 3, 2022 @ 7:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinagtibay ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang kanyang commitment na isulong ang kapayapaan at pag-unlad sa rehiyong Mindanao.

Naniniwala kasi ang Pangulo na magiging daan ito upang kaagad niyang makamit ang kanyang minimithi na “Bagong Lipunan”.

Ang pangako na ito ng Chief Executive ay matapos niyang muling ibahagi  ang Facebook Episode 2 ng “Bagong Pilipinas” series na in-upload ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).

Makikita ang pagsisikap na ginagawa ng administrasyon upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa bansa lalo na sa Mindanao.

“Isang karangalan ang makibahagi sa pagtatag ng pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro,” ang wika ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

“Mananatiling determinado ang ating administrasyon sa pagbibigay-daan sa isang Bagong Pilipinas kung saan ang lahat ay ligtas at kapit-bisig tungo sa kaunlaran ng bawat mamamayang Pilipino,” dagdag na pahayag nito.

Sa hiwalay na Facebook post, muling ibinahagi ng Office of the President (OP), ang kahalintulad na video at nagpahayag ng kaparehong commitment.

“The nation has witnessed great strides since the establishment of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and President Ferdinand R. Marcos Jr. remains steadfast in pursuit of peace and development for the region, for the country, and for all Filipinos,” ayon sa OP.

Samantala, Episode 2 ng Bagong Pilipinas ay nagpapahayag na ang  kaligtasan, kapayapaan at kaayusan sa lipunan ay mga  mahahalagang sangkap tungo sa pagbangon at kasaganahan ng mapayapang bansa.

Isa itong tunay na kaaya-aya sa mga negosyante at turista.

Kakambal nito ay masiglang ekonomiya.

ito ang dahilan kung bakit patuloy na pinagtutunan ng pansin  at halaga ng gobyernong Marcos dahil kapayapaan ang daan  tungo sa Bagong Pilipinas. Kris Jose