Pagsusulong ng localized peace talks, Bong Go handang mamagitan

Pagsusulong ng localized peace talks, Bong Go handang mamagitan

March 24, 2019 @ 2:31 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Handang mamagitan si dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa pagsusulong ng localized peace talks.

Ito’y makaraang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuldukan na ang sa peace talks sa rebeldeng komunista.

Aniya, mabigyan lamang siya ng pagkakataon ay handa siyang mamagitan.

Aniya, mahigit 50 beses din silang umakyat ni Pangulong Duterte sa kuta ng mga rebelde sa bundok noong Alkalde pa ito ng Davao kaya napatunayan na rin niya ang sinseridad nila ng Chief Executive.

Aminado si Go na umaasa pa rin siya na bago matapos ang termino ng Pangulo ay ayos na ang lahat at magkaroon ng permanenteng kapayapaan.

Muli ding iginiit ni Go na tanging si Pangulong Duterte ang Pangulo ng bansa na nagpakita ng tunay na sinseridad sa pakikipag-usap sa rebeldeng grupo.

Kaya nga aniya, tiyak siyang maraming ikinonsidera ang Pangulo bago ito nagpasyang permanente nang tuldukan ang peace talks./Kris Jose