Pagsusuot ng face mask, dagok sa paghuli sa 2 pugante

Pagsusuot ng face mask, dagok sa paghuli sa 2 pugante

February 3, 2022 @ 10:11 AM 8 months ago


MANILA , Philippines – Umabot na sa 17 araw ang lumipas pero pinaghahanap pa rin ang dalawa sa apat na pumuga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, kamakailan.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagpapahirap sa awtoridad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa ikadadakip ng dalawa pang puga.

Matatandaan na napatay ng kapulisan sina Pacifico Adlawan at Arwin Bio matapos na manlaban habang tinutugis.

Habang nakawala pa rin sina Drakilou Y. Falcon at Chris Candas Ablas, kapwa nasakdal sa kasong robbery with homicide.

Naglabas na rin ng P100,000 pabuya kada isang pugante ang awtoridad pero hanggang ngayon Pebrero 1 ay hindi pa rin sila nahuhuli.

“It is difficult to find them because everyone is wearing a mask. Each day that passes makes the task of recapturing these escapees more difficult,” ani Guevarra.

Ipinanawagan naman direkta ni Guevarra sa mga pumuga na boluntaryo na lang silang sumuko.

“I am also calling on these escapees to voluntarily turn themselves in at the nearest police station, because the long arm of the law will soon catch up with them, wherever they hide,” giit pa niya.

“Our law enforcement agents, with the help of ordinary citizens, will find them,” dagdag pa ng kalihim. RNT