Pagsusuot ng face mask pairalin pa rin sa public transport – DOTr Sec.

Pagsusuot ng face mask pairalin pa rin sa public transport – DOTr Sec.

September 11, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista nitong Sabado na pabor siya sa pagsusuot ng face masks sa public transportationupang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infections. 

Ito ay kasunod ng pahayag ngDepartment of Health (DOH) na kailangang magsuot ng face mask ng mga commuter habang nakapila o naghihintay sa pampublikong transportasyon sa nagbabadyang pagluluwag sa polisiya ukol sa pagsusuot ng protective cover. 

Inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa mga bukas na espasyo sa pagtatapos  ng taon.

Ayon kay Bautista, pananatilihin ng DOTr ang mahigpit na health and safety protocols sa public transportation bilang bahagi ng new normal.

Kabilang sa mga alituntunin nito ang mga sumusunod: bawal makipag-usap sa telepono; bawal kumain; pagpapanatili sa public utility vehicles na well ventilated; malimit na disinfection; hindi pagpapasakay sa mga pasahero na makikitaan ng COVID-19 symptoms sa public transportation; at pagpapanatili ng physical distance.

“Our collective fight against the COVID-19 pandemic is showing signs that we are making improvements in bringing down the number of cases,” pahayag  ni Bautista.

“But the virus is still around, it is not over yet. We need to remain vigilant, especially in public areas, until such time that we have totally won against COVID-19,” dagdag niya.

Sinabi ni officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Biyernes na dapat lamang alisin ang face masks sa “low-risk settings” at ng “low-risk individuals.”

Hinikayat din niya ang mga magulang na pagsuotin ng face mask ang mga bata, lalo na at isinasagawa ang klase sa loob ng silid-aralan. RNT/SA