Pagsusuot ng face mask pinakaangkop sa gitna ng pandemya

Pagsusuot ng face mask pinakaangkop sa gitna ng pandemya

June 11, 2022 @ 12:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagsusuot ng face mask ay isa sa pinaka-angkop na hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infections.

Binanggit ng kalihim ang survey mula sa Johns Hopkins University, na ang masking compliance ng mga Pilipino ay nasa 91% hanggang 96% na nangangahulugan na 9 sa 10 Pilipino ang nagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Aniya, isa ito sa naangkop na hakbang na inilagay sa gitna ng pandemya.

“Para sa akin isa ito sa pinaka-angkop na tugon sa pandemyang ito, yung masking natin in particular at yung minimum public health standards na inuna natin social distancing, hand hygiene, ngayon adequate ventilation yung airflow so ito yung mga bagay bagay na tingin ko hanggang ngayon kahit marami nang dumaan na superspreader events tandaan mo nagkaroon tayo ng caravan, rallies, election, Holy Week, [at] Ramadan,” sabi pa ni Duque sa The Mangahas Interviews .

Nauna nang sinabi ng kalihim na umaasa siyang ipagpapatuloy ng incoming Marcos administration ang pagsusuot ng face mask kahit na bumaba na sa halos 200 ang bilang ng kaso COVID-19 .

Sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi aalisin ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa bansa hanggang sa matapos ang kanyang termino. Jocelyn Tabangcura-Domenden