Pagsusuot ng face mask sa simbahan hinikayat ng Archdiocese of Manila

Pagsusuot ng face mask sa simbahan hinikayat ng Archdiocese of Manila

November 12, 2022 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy na ipatutupad ng Archdiocese of Manila ang pagsusuot ng face mask sa loob ng simbahan.

Sa Circular 2022-85 na nilagdaan ni Fr. Carmelo Arada Jr. na may petsang Nobyembre 8, pinayuhan ng archdiocese ang monsignori at mga pari na ipagpatuloy ang pag-uutos sa mga nagsisimba na magsuot ng kanilang mga face mask habang dumadalo sa mga Misa at iba pang relihiyosong aktibidad na gaganapin sa loob ng mga simbahan.

“The Archdiocesan Liturgical Commission and the Ministry on Health Care of the Archdiocese of Manila request that we continue to encourage our parishioners to wear face masks in our churches during liturgical celebrations and other gatherings in compassionate regard to the elderly and the vulnerable,” saad sa circular.

“The pandemic difficulties stirred us to take care of each other and by this, we will be known that we are disciples of the Lord.”

Ang Archdiocese of Manila ay sumasaklaw sa mga lungsod ng Maynila, Makati, San Juan, Mandaluyong, at Pasay.

Ang circular ay inilabas matapos ang magluwag ng mga paghihigpitang gobyerno sa pagsusuot ng face mask.

Oktubre 28, nang maglabas ng Executive Order (EO)7 ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng mga face mask sa panloob at panlabas na mga setting.

Gayunpaman, sinabi ng EO na ang pagsusuot ng face mask ay mandatory pa rin sa mga health care facilities, medical transport vehicles, at public transportation.

Hinihikayat din ang mga nakatatanda na may co-morbiditied , immuno-compromised individuals, mga buntis , hindi bakunado at mga na patuloy pa ring magsuot ng face masks. Jocelyn Tabangcura-Domenden