Pagsusuot ng face shield, boluntaryo sa Alert Level 4- DOH exec

Pagsusuot ng face shield, boluntaryo sa Alert Level 4- DOH exec

January 14, 2022 @ 6:50 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na boluntaryo ang pagsusuot ng face shields sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 4 at mandatoryo lamang sa mga lugar sa Alert Level 5 kasunod ng mga debate ukol sa bisa nito.

“Ngayong itong face shields napagusapan na at naresolba na sa IATF na gagamitin lamang kapag Alert Level 4. This will be based on the discretion of the establishments and local governments,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang Palace briefing.

“Kapag Alert Level 5, it’s going to be mandatory,” paglilinaw niya.

Gayundin, inabisuhan ng DOH ang mga paaralan at establisimyento na gumamit ng  barriers.

“Now as to the barriers in the different schools and different establishments, nakapagbigay abiso na rin po tayo na kailangang iyong appropriate na barrier na ginagamit. Hindi ‘yung sinasabi natin, nag cite na tayo ng instances where it will cause more harm than good,” sabi ni Vergeire.

Matatandaang noong Oktubre 2021 ay sinabi ng World Health Organization na hindi na mandatoryo ang pagsusuot ng face shields sa gitna ng Omicron. RNT/SA