Pagsusuot ng face shield ‘di sapilitan

Pagsusuot ng face shield ‘di sapilitan

August 10, 2020 @ 9:55 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Hindi mandatory ang pagsusuot ng faceshield ng mga Pilipino.”

Ito ang naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa isang panayam.

Giit ng kalihim na maaari namang magpatupad ang mga Local Government Unit (LGUs) nang pagsusuot ng face shield sa pamamagitan ng ordinansa subalit dapat ay wala itong katumbas na multa ang mga hindi magsusuot nito.

Nakarating kasi kay Año na mayroong mga LGU na pinagmumulta ang mga nahuhuling walang suot na face shield ng halagang P2000.

Iginiit ng DILG chief na sa kasalukuyan ay ipinatutupad pa rin ng Inter Agency Task Force (IATF) ay ang pagsusuot lamang ng face mask at social distancing sa mga pampublikong lugar at hindi ang pagsusuot ng face shield.

Papayagan naman ang ilang mga kumpanya o mga pampubliko ng mga lugar o pamilihan na magpatupad sila ng ‘no face shield no entry’ sa kanilang mga establisimyento.

Lumalabas kasi sa pag-aaral na mas tumaas ang porsyento na hindi mahahawaan ang isang indibidwal ng COVID-19 kung bukod sa pagsusuot ng face mask ay mayroon din itong face shield.

Samantala hinahayaan naman ng DILG ang LGUs na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine sa kanilang mga area kung nakikita nila na kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID sa kanilang mga sinasakupan.

Matatandaan na simula nang ipahayag ng Department of Tourism (DOTr) na oobligahin na ang mga sasakay sa pampublikong transportasyon ang pagsusuot ng face shield habang ilan sa mga munisipalidad at lungsod naman na nagpatupad din ng pagsusuot nito ay nagmahal na ang presyo nito at nagkakaubusan na sa pamilihan. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...