Pagsusuot ng Filipiniana sa SONA ni PBBM, ‘di pabonggahan – Sec. Trixie

Pagsusuot ng Filipiniana sa SONA ni PBBM, ‘di pabonggahan – Sec. Trixie

July 25, 2022 @ 2:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na walang pabonggahan ng isusuot na damit at lulutang  na pinaka-glamorosa mula sa mga dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Cruz-Angeles na ang pagsusuot ng damit na Filipiniana ay bahagi lamang ng panghihikayat na muling buhayin  ang traditional industries.

“Who are the more glamorous secretaries? Well, hindi what am I expecting. Ganito yan no, the reason we encouraged Filipininiana is to revive the traditional industries, yung piña weaving natin, also to also give our designers a venue for the expression of their creativity, and in that sense also to contribute to the economy,” ayon kay Cruz-Angeles.

“As you know the economy is foremost in the mind of our president, and this is one way of contributing to it, so kaya maganda na meron tayong face to face and that we get dressed up once in a while para yugn industry natin tuloy-tuloy ang pagyabong nya,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, ang desinger ng suot na filipiniana ni Cruz-Angeles ay si Dobie Aranda.

“We take into consideration the tradition, Filipiniana, but we’d like to modernize… so the design is by Dobie  Aranda and we try to keep a blend of the old and new,” aniya pa rin. Kris Jose