Pagsusuot ng PPEs ng piling OFWs sa airport, kinuwestiyon ni Pia

Pagsusuot ng PPEs ng piling OFWs sa airport, kinuwestiyon ni Pia

September 22, 2022 @ 9:02 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Matinding kinuwestiyon ni Senador Pia Cayetano ang patakaran sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hinggil sa pagsusuot ng personal protective equipment (PPEs) kabilang ang facemask para sa piling overseas, Filipino workers (OFWs).

Sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles, sinabi ni Cayetano na nakasuot ng kumpletong PPE sets kabilang ang shoe cover ang ilang OFWs na dumarating sa airport.

“So I just around and was told later on that they arte OFWs. Your Honor, I’d like to point out that they are in complete PPE, with face shields, footies and gloves. It’s ridiculous, your honors. I feel so bad for them because it is not comfortable wearing those,” giit niya.

Ayon kay Cayetano, ipinagbigay alam niya kay Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople ang bagay na ito.

Inihayag ni Ople na hindi pinagsusuot ng PPEs ang umaalis na OFWs, ayon kay Cayetano.

Dagdag pa niya na may diskriminasyon kapag pinagsuot ng PPEs ang isang OFWs kapag pumapasok ito sa destinasyong bansa nito. “Maliban na lamang kung sinasamantala ng ilan ang pandemya.”

“So, either there is discrimination against our own nationals or may rumaraket, merong nakikinabang, may nagte-take advantage ng COVID situation na pinipilit ang aitng mga OFWs na maghirap. Kasi hindi ho madali na magsuot ng ganyan, at mang magbabayad,” giit pa niya.

Dahil dito, hiniling niya sa Senado na paimbestigahan ang isyu upang matulungan natin an gating kababayang umuuwi sa bansa. Ernie Reyes