Pagta-trabaho ng hanggang madaling-araw, hindi makatuwiran-Pangulong Digong

Pagta-trabaho ng hanggang madaling-araw, hindi makatuwiran-Pangulong Digong

July 11, 2018 @ 11:16 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ngayon na nakikita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tila hindi na makatuwiran na nagta-trabaho siya hanggang madaling-araw at natutulog na ng umaga.

Iyon ang dahilan kung bakit nasabi niya na pagod na siya sa kanyang trabaho.

Inilarawan pa niya na ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng bansa ay “killing job”.

“Sabi ko, you know why, we ended up at 2 am in the morning. Kaya ang sabi ko, this is a killing job, is this what we are really here, ang sweldo ba natin dito tama ba sa pagod natin? I slept, I signed papers and I slept at 6,” ayon sa Chief Executive.

Kaya nga, payag siya na putulin na ang kanyang termino kapag natuloy ang transition government.

Dapat lamang aniya na idaan sa eleksyon ang ipapalit sa kanya.

“Maraming magandang lalaki diyan mamili kayo,” na hindi man direktang sinabi nito na ayaw niyang si Vice-President Leni Robredo ang pumalit sa kanya.

Bahala na aniya pa rin ang Kongreso na magdesisyon sa bagay na ito.

“Andyan naman sa bicam, and of course the consultative out of respect kila justice Puno, ako sinabi ko na sa kanila, kahapon. I’m willing to step down, call for an election, get a new leader and go on with the transition. Ok na ako,” diing pahayag nito.

Sa simula aniya ng transition government kapag na assemble na ng maayos at hindi na uuga-uga, gumagana at ang istraktura ay maaaring plataporma para sa governance ay wala ng problema ay oras na upang bumaba na siya sa puwesto.

Iginiit ni Pang. Duterte na hindi siya papayag na succession o ang kanyang successor na si VP Leni ang pumalit sa kanya. (Kris Jose)