Pagtaas ng COVID patient sa mga ospital naobserbahan din ng PCP

Pagtaas ng COVID patient sa mga ospital naobserbahan din ng PCP

December 30, 2021 @ 12:50 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Naobserbahan din ng Philippine College of Physicians (PCP) ang bahagyang pagtaas ng bilang ng COVID patients sa mga ospital, batay sa ulat.

Ayon kay PCP President Dr. Maricar Limpin, inaasahan na nila ito lalo pa ngayong holiday season.

“Yes, positive ‘yan. Talagang galing sa reports ng aming mga kasamahan na doktor ay sinabi po talaga nila na medyo dumami po ang kaso ng COVID-19 ngayon na nakikita namin sa hospitals,” ani Limpin sa ABS-CBN’s Teleradyo.

“Maski noon pa man, nakikita namin ang dami ng taong lumalabas at marami sa kanila ang hindi na sumusunod sa minimum public health standards, in particular ‘yung pagsusuot ng tama ng face masks at physical distancing.”

 “Nakikita din natin maski sa mga sasakyan, punong puno na, may standing pa nga. Talagang hindi na po sumusunod. ‘Yung sinasabi nila na dapat 70 percent lang ang capacity, hindi po ‘yun nangyari,” dagdag pa nito.

 “Actuallly almost one month nang nangyayari ‘yan kaya ineexpect naman talaga namin na dadami ang kaso ng COVID-19.” RNT/FGDC