Pagtaas ng COVID positivity rate sa Pinas nakababahala – OCTA

Pagtaas ng COVID positivity rate sa Pinas nakababahala – OCTA

December 30, 2021 @ 10:16 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Ikinaalarma ng Independent research group OCTA ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa Pilipinas.

“Most likely it will continue to increase,” ayon kay OCTA Research Team fellow Guido David.

Maaari aniyang makapagtala ng 2,000 bagong kaso ng COVID araw-araw pagkatapos ng Bagong Taon.

Sa panig naman ni molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA, ang naturang pagtaas ay dahil sa holiday-related mobility at bahagyang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols.

“The increase in cases is probably best explained because of the holiday and the Christmas season. There are many parties, and especially many children who are unvaccinated in these parties, walang mask, so not surprising that the case numbers went up,” lahad ni Fr. Austriaco.

“And then if there is still no Omicron (transmission), we should expect them to start coming down once the first quarter of the New Year begins.” RNT/FGDC