Pagtaas ng EJK sa PBBM admin itinanggi ng DOJ

Pagtaas ng EJK sa PBBM admin itinanggi ng DOJ

October 13, 2022 @ 12:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinanggi ng Department of Justice na hindi tumaas ang mga kaso ng “extra-judicial killings (EJKs)” ngayong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi umano nila batid kung saan nagmumula ang mga numero.

Giit din ng kalihim na ibinigay sa kaniya ang aktuwal na mga pangalan ng mga taong nasawi sa pamamagitan ng EJK upang agad niyang mapaimbestigahan ito sa National Bureau of Investigation (NBI) .

Aniya, 57 kaso ng torture ang naiulat na sa DOJ, kung saan 20 dito ang na-delist matapos ibinaba ng mga complainant ang kaso habang isang conviction ang nangyari sa 37 natitirang kaso.

Dagdag pa, kung susuriin aniya ang mga kaso kung saan ginamit ang extra-judicial confession ng mga tao para sa kanilang paghatol, mas malalaman kung ano talaga ang tunay na nangyari sa mga kasong ito.

Sinabi ni Remulla na hinahangad din nilang mapabuti ang sistema sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden