Pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na – Dr. Solante

Pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na – Dr. Solante

July 18, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahan na ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na serotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas.

Ito aniya ay ang DENV-1, DENV-2, DENV-3 at ang DENV-4 dahilan para mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng WHO bilang isa sa mga bansa sa Asia na may mataas na kaso ng dengue.

Aniya pa rin, nagsisilbing contributory factor ng pagtaas ng kaso ng dengue ay ang weather o panahon partikular na ngayong panahon na ng tag-ulan at nakadadagdag aniya ang population density.

Payo ng eksperto, gawing prayoridad ang prevention. maglinis ng kapaligiran at agad na magpakonsulta sa mga doktor kung may nararamdmaan upang hindi mauwi sa kumplikasyon ang sitwasyon.

“Okay, sa Dengue naman, mayroong nang programa ang Department of Health in placed a ‘no. At isa din dito, is iyong diagnosis and case management. Pero ang pinakaimportante pa rin dito iyong environmental hygiene, So, ibig sabihin, ang pagkontrol ng mga pinupugaran ng mga lamok, ang paglinis ng mga kapaligiran natin ay napakaimportante,” ayon kay Dr. Solante.

“Now, sa Dengue case management, early recognition is important also ‘no. Expected iyan, na tataas ang Dengue cases natin because of the weather and at the same time, iyong population density.” ayon pa rin kay Dr. Solante sabay sabing “Sa data ng WHO, ang Philippines is one of those countries sa Asia na napakataas ang dengue, year-in and year-out. And we have the four serotypes that is circulating, ng Dengue – the DENV-1, DENV-2, DENV-3 and DENV-4, kaya expected talagang tataas, and prevention is a matter of priority na maglinis ng environment and at the same time, kung mayroon nang mga sintomas, pakonsulta kaagad sa mga doktor para hindi tayo mahuli sa mga kumplikasyon.”
Kris Jose