Pagtaas ng kaso ng virus isinisi ni Roque sa COVID variant

Pagtaas ng kaso ng virus isinisi ni Roque sa COVID variant

March 15, 2021 @ 7:24 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Isinisisi ng pamahalaan sa bagong variants ng COVID-19 ang pagtaas ng bilang ng kasong virus sa bansa kasabay ng isang taon na pagpapatupad ng COVID-19 lockdown.

Binigyang din ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi nabigo ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemiyang dala ng covid 19.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa kumakalat ngayon sa social media na Twitter hashtag na “DutertePalpak” sa gitna ng mahigit na 4,000 new COVID-19 cases na naitala kada araw para sa nakalipas na linggo.

“Tignan po natin ang datos. Napababa naman talaga natin ang kaso hanggang nitong buwan ng Marso na sumipa muli,” ayon kay Sec.Roque.

“Iyong nakumpirma na mga variant na mas nakakahawa ay isa sa mga dahilan ng surge, hindi po dahil palpak ang gobyerno,” dagdag na pahayag nito.

Kabilang sa variants ng coronavirus na kasalukuyang nakikita sa COVID-19 cases sa bansa ay iyong natukoy mula sa United Kingdom, South Africa, at Brazil.

“I do not think anyone should be blamed, it is the nature of the virus to mutate,” diing pahayag ni Sec. Roque

“If you look at our case fatality rate, our number is still low compared with the rest of the world, although we are also extending our condolences to those who lost their loved ones to the virus,” giit nito.

Kanina ay inanunsyo ni Sec. Roue na positibo siya sa COVID-19.

Binigyang diin nito na ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases ay hindi dahil sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions.

“I don’t like to think this is because of reopening the economy. We eased restrictions in October 12, and cases were going down. Christmas day passed and cases were still going down,” ani Sec. Roque.

“Let us not blame it on opening the economy because…I guess, coming from someone now with COVID, it was not the opening of the economy that caused the increase. I am very strict in observing health protocols but I was still infected.  Kahit anong ingat, puwede pa rin mahawa. Kaya kailangan mas maging maingat,” lahad nito. Kris Jose