PAGTAAS NG KONTRIBUSYON NG PHILHEALTH GAGAMITIN SA PRIMARY CARE BENEFIT PACKAGE

PAGTAAS NG KONTRIBUSYON NG PHILHEALTH GAGAMITIN SA PRIMARY CARE BENEFIT PACKAGE

December 15, 2022 @ 8:35 AM 2 months ago


IPINALIWANAG ni Rey Baleña, senior manager, Corporate Communications Department ng PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation na mahalaga ang muling pagtataas ng premium contribution para sa expansion ng primary health care benefit package na pinakikinabangan naman ng mga miyembro.

 Sa pagpasok ng January 2023, tataas ng 4.5% ang buwanang hulog kaya ang mga miyembro na kumikita ng P10,000 ay aabot sa P450.00 pesos na ang hulog.

Ang pagtataas ay itinatadhana ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Law for All Filipinos. Layunin ng nasabing batas na seguruhin na magkaroon ng pagkakataon para sa medical services at proteksyong pinansiyal ang bawat Pilipinong nagkakasakit.

Makikinabang umano sa itataas na kontribusyon ang “Konsulta Benefit Package” kung saan bawat Pilipino ay magkakaroon ng accredited Konsukta provider na titingin, magbabantay at mangangalaga sa kanyang kalusugan.

Marami sa ating mga kababayan ang takot na magpunta sa mga pagamutan upang magpa-konsulta dahil sa kawalan ng pamabayad sa doktor, hindi maipagawa ang mga request na laboratory procedures, at hindi mabili ang mga iniresetang mga gamot.

Ang resulta, mas lumalala ang kanilang karamdaman dahil hindi kaagad napagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Sa pamamagitan ito ng pagsasagawa ng health risk screening, laboratory tests at pagkakaloob ng mga gamot.

Target umano ng PHILHEALTH na kalahati ng populasyon ng bansa ay maipasok na sa PHILHEALTH KONSULTA program.

Isasagawa rin ng PHILHEALTH simula taong 2023 ang outpatient therapeutic care for severe acute malnutrition at outpatient package for mental health.

Patuloy pa ring tinututukan ng health insurance corporation ang nagpapatuloy na coronavirus disease 2019 pandemic.

Gagamitin din ang tumaas na monthly premium para sa gradual transition patungong DRG o diagnostic related group kung saan ang pagbabayad ng PHILHEALTH ay naka-depende na sa health status o risk profile ng pasyente para sa mas maayos na gamutan.

Pagtitiyak ni Baleña, hindi masasayang ang karagdagang kontribusyon dahil pakikinabangan ito ng maraming miyembro.

Kaya tutukan ninyo ang programa “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” bukas, December 15 sa DWBL 1242 kHz-AM Band, mula 8:00 hanggang 9:00 ng umaga, dahil ito ang tatalakayin natin kasama mismo si Sir Rey Baleña sa ating “Talakayang PHILHEALTH”.