Pagtaas ng poultry prices tinugunan ng DA

Pagtaas ng poultry prices tinugunan ng DA

July 9, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Department of Agriculture (DA) ang mga interbensyon nito upang tugunan ang pagtaas ng poultry prices dulot ng mas mataas na demand sa manok habang mababa naman ang produksyon.

Makikita sa price monitoring ng DA hanggang nitong Biyernes na ang presyo kada kilo ng manok ay nasa P200 mula sa P190 kada kilo hanggang sa pagsisimula ng Hunyo.

Inihayag ng Agriculture Department na sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry (BAI), nagkasa ito ng interventions kasunod ng regular na konsultasyon sa industry stakeholders.

Kabilang sa mga itinalagang measures ang pagpayag sa inter-island movement mula mainland Luzon ng day-old chicks, hatching eggs, at ready-to-lay pullets, batay sa DA.

Bukod dito, sinabi ng DA na nakikipag-ugnayang ang BAI sa partners mula sa private sector sa regular na pagberipika sa broiler life cycle model.

Para naman tugunana ang mataas na halaga ng agricultural inputs, sinabi ni BAI officer-in-charge-Director Reildrin Morales na magsasagawa ang DA executives ng dayalogo sa ibang mga bansa sa posibleng alternative sources ng mas murang feed ingredients.

Samantala, naglabas na ang BAI ng special import permits para sa mga kinakailangang bakuna upang suportahan ang disease prevention sa poultry diseases kagaya ng Infectious Body Hepatitis (IBH), ayon sa DA.

Iginiit din ni Morales na ang pagtaas sa demand ay dulot ng pagbubukas ng mga pamilihan maging ng hotels at restaurants, dahil mas pinaluwag na ang ekonomiya.

“The uneven demand-supply situation may also be attributed to the restrictions in movement of live birds, poultry products and by-products due to Avian Influenza (AI) cases in some areas,” ani Morales.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na prayoridad ng kanyang administrasyon ang produksyon ng bansa ng “major staples” gaya ng mais, na kinakain ng mga tao at nagsisilbi ring pakain sa mga hayop.

“Corn especially became very important because the feed-wheat that we were importing, na-cut off ang supply nation, so we have to substitute it with corn,” pahayag ni Marcos.

“This season, the corn growers were able to come together and provide sufficient feed for the broiler production,” dagdag ng Pangulo. RNT/SA