Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Agriculture (DA) na patuloy nilang babantayan ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa mga pamilihan bilang epekto ng masamang panahon.
Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, may makikita talagang pababago sa presyo ng ilang bilihin dahil sa sama ng panahon pero dapat hindi pa rin ito lalagpas sa itinalagang Suggested Retail Price o SRP.
“I will have to check if they indeed breached the threshold of the SRP, which is only 10 percent of the prevailing market price, meaning if the prevailing market price of galunggong is P140 it should have dissolved beyond the 154 pesos which is 10 percent of P140,” sabi ni Piñol.
Dagdag pa niya, kasalukuyang nakikipagtulungan ang ahensiya sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa monitoring.
Ang mapatutunayang lumabag sa anti-profiteering law ay maaring magmulta ng P1,000 hanggang P1 milyon at pagkakakulong ng hanggang anim na taon. (Remate News Team)