Pagtaas ng presyong mga bilihin sa Hunyo bumagal – PSA

Pagtaas ng presyong mga bilihin sa Hunyo bumagal – PSA

July 6, 2021 @ 11:25 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin o inflation rate nitong Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa ulat ni PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa sa isang virtual press conference, 4.1 porsyento ang inflation rate nitong Hunyo na mas mababa kumpara sa inflation rate ng nakaraang tatlong buwan.

Target ng gobyerno na maibaba sa dalawa hanggang apat na porsyento ang inflation rate sa bansa.

“Ang dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation nitong Hunyo 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport na may 9.6% at 95.4% share sa pagbaba ng presyo,” paliwanag ni Mapa. RNT/ELM