Pagtaas ng suicide cases pinatutukan 

Pagtaas ng suicide cases pinatutukan 

February 21, 2023 @ 11:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni BHW Partylist Rep at House Committee on the Welfare of Children Chairman Rep. Angelica Natasha Co ang pamahalaan na palakasin ang interagency coordination, monitoring at follow-up sa mga kaso ng suicide, bullying at karahasan na kinasasangkutan ng mga estudyante.

Ang apela ay ginawa ni Co sa harap na rin ng pagtaas ng kaso ng suicide at attempted suicide sa hanay ng mga kabataan na batay sa talaan ng Department of Education(Deped) ay 404 estudyante na ang kumitil sa kanilang sariling buhay habang 2,147 ang attempted cases sa taong 2021.

“The frustration, disappointment, alarm and lamentations made for the palpable tensions during the hearing about suicides among the Filipino youth. We are disappointed by the poor lack of implementation of the National Mental Health Act and other laws, which, if they had been implemented, could have prevented many of the suicides,” pahayag ni Co.

Minungkahi ni Co na magkaroon ng iisang programa ang mga ahensya para matutukan ang suicide cases.

Pinatututukan din ng mambabatas ang pagkakaroon ng Guidance Counsellor sa mga paaralan gayundin ang pagtaas sa sahod ng mga ito.

Nabatid na sa 60,157 paaralan ay nasa 16,557 lan ang may guidance officers at 2,093 registered guidance counsellors.

“We need guidance counsellors at the schools, not at the division offices and regional offices”pagtatapos pa nito. Gail Mendoza