Pagtaas sa presyo ng itlog, binubusisi ng DA

Pagtaas sa presyo ng itlog, binubusisi ng DA

January 15, 2023 @ 8:39 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaalam pa ng Department of Agriculture kung magpapatuloy pa ba ang trend ng pagtaas ng presyo ng mga itlog sa merkado.

Sa price monitoring data kasi ng Kagawaran, umaabot na sa P7 hanggang P9 ang presyo sa kada piraso ng itlog mula sa P6 lamang noong nakaraang taon.

“Para ma-determine natin kung ang presyo ng itlog ay tuloy tuloy na tataas, we have to look into again the cost of production if that is the root cause,” pahayag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista nitong Sabado, Enero 14 kasabay ng Saturday News Forum sa Quezon City.

Ayon naman sa Philippine Egg Board Association (PEBA), nagkaroon ng pagbaba sa produksyon ng itlog sa bansa dahil sa mataas na operating expense sa mga breeders dulot naman ng mataas na presyo ng hatchling at chicken pellet.

Patuloy naman na iimbestigahan ng DA ani Evangelista, kung ang “layers of traders” ba ang dahilan ng pagtaas sa presyo ng itlog. RNT/JGC