Pagtago ng kalagayan ng kalusugan: PDU30, walang mapapala

Pagtago ng kalagayan ng kalusugan: PDU30, walang mapapala

October 6, 2018 @ 9:29 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi itatago ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kalagayan ng kaniyang kalusugan sa publiko dahil bukod sa mandato ito ng Konstitusyon, wala naman siyang mapapala rito.

“My take on this is the president will voluntarily disclose to the public whatever ails him. He will not gain anything from hiding it. But he will hang on until he can physically endure it,” ayon kay Guevarra sa isang text message.

Nakasaad sa Section 12, Article VII ng 1987 Constitution ang guidelines kung sakaling magkaroon ng malalang sakit ang Punong Ehekutibo.

“In case of serious illness of the President, the public shall be informed of the state of his health. The members of the Cabinet in charge of national security and foreign relations and the Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines, shall not be denied access to the President during such illness,” ayon sa probisyon.

“That’s why I believe he will not hide it,” ayon pa kay Guevarra.

Dagdag pa ni Guevarra, hindi nagtatago si Pangulong Duterte ng mga personal na bagay at kabilang na roon ang isyu sa kaniyang kalusugan.

Matatandaan na noong Miyekules, umamin si Pangulong Duterte na nagtungo siya sa Cardinal Santos Medical Center para kumuha ng physical tests, kaiba sa unang sinabi ng kaniyang tagapagsalita na nag-day off lamang ang Pangulo.

Read: Pangulong Duterte pumiyok, isang oras sa ospital!

Ayon kay spokesperson Harry Roque, sumailalim sa endoscopy ang Pangulo dahil sa “growth” sa digestive tract nito ngunit sinabing hindi nito alam kung ito ba ay isang tumor.

“Beyond what he has said, he is entitled to privacy in this matter. I do not know if I am still here next week, then I will tell perhaps we need to issue a medical bulletin whether or not it’s serious,” ayon kay Roque nitong Biyernes.

Kamakailan, sinabi ni Duterte na siya ay nagkakaroon ng “bad case of Barrett’s esophagus”. At kung mada-diagnose umano siya ng stage 3 cancer ay hindi na siya magpapagamot pa.

“If it’s cancer, it’s cancer. And if it’s third stage, no more treatment. I will not prolong my agony in this office or anywhere,” ayon sa Pangulo.

Gayunpaman, siniguro naman ni Roque sa publiko na hindi pa mamamatay ang Punong Ehekutibo.

Read: Sec. Roque, hindi naniniwalang mamatay na si Pangulong Duterte

“Hindi naman po siguro…Pero ang sabi naman niya kahapon, ‘name a 73-year-old na walang karamdaman.’ So kung meron man siyang karamdaman, he thinks it’s not out of the ordinary,” ayon kay Roque./Remate News Team